Ginunita ng Quezon City government ang ika-124th National Flag Day ngayong araw, sa pangunguna nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto.
Sa flag raising-ceremony, nagmartsa ang Quezon City Police District dala ang watawat ng Pilipinas bilang paggalang sa sagisag ng bansa na simbolo ng soberanya at pagkakaisa.
Ang National Flag Day ay ipinagdiriwang tuwing May 28 hanggang June 12, sa bisa ng Executive Order No. 179 S. 1994.
Kasama rin sa National Flag Day celebration at flag ceremony ang mga konsehal, city department heads at mga kawani ng pamahalaang lungsod.