Nabigyan ng pagkakataon sina Mayor Joy Belmonte, Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) Head Andrea Villaroman, at Parks Development and Administration Department (PDAD) OIC Arch. Red Avelino na bisitahin ang 15-minute city sites ng Paris, France.
Sa ilalim ng konsepto ng 15-minute city, lahat ng kakailanganin ng mga mamamayan – mula basic services, healthcare, trabaho, parks at open spaces at transportasyon – ay malapit sa kanilang tahanan at maaaring marating sa loob lamang ng 15 minutong paglalakad o pagbibiskileta. Isinusulong ng 15-minute city ang isang inklusibo, ‘less stressful’, accessible, ligtas, at sustainable o environment-friendly na komunidad.
Pinuntahan din nila ang socialized housing ng Paris para sa mga solo parents at manggagawa, at ang mga parke na accessible at may pasilidad na nakalaan para sa mga bata at senior citizens.
Ipinakita sa kanila ang massive pedestrianization program para maitaguyod ang accessibility at mobility. Mahigpit na ipinapatupad sa siyudad ang mga batas para ma-protektahan ang mga pedestrian.
Ang site visit ay inorganisa ng United Nations Environment Programme (UNEP), sa pangunguna ni UNEP Industry and Economy Division, Cities Unit Head Sharon Gil.