Maligayang kaarawan sa Ama ng Rebolusyong Pilipino.

Ipinagdiriwang ngayong araw ang ika-160 kaarawan ni Gat Andres Bonifacio na may temang “Katungkulan at Pananagutan Tungo sa Kaunlaran ng Bayan”

Si Gat Andres Bonifacio ang nagtatag ng ‘Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan’ na naging paraan upang makamtan ang kalayaan ng Pilipinas sa ilalim ng Espanya.

Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang wreath-laying ceremony kasama sina District 3 Rep. Marivic Co-Pilar, District 1 Rep. Arjo Atayde, District 1 Action Officer Oli Belmonte, QCPD District Director Redrico Maranan, Schools Division Superintendent Carleen Sedilla, Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas Rosario Sapitan at mga kinatawan ng departamento ng lungsod.

+41