Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang iba-ibang programa ng Quezon City Government para masuportahan ng mga nano, micro, at small enterprises sa lungsod, sa ginanap na 1st International Conference on Entrepreneurship & SME Development (ICESMED) 2023.
Ayon kay Mayor Joy, tinutukan ng lokal na pamahalaan ang sektor ng maliliit na negosyo para sila ay matulungang lumago lalo na noong panahon ng pandemya.
Kabilang sa mga inilatag na programa ng QC ay ang Pangkabuhayang QC na nagbibigay ng puhunan at kaalaman para sa mga entrepreneur; Proudly original product of Quezon City (POP QC) na humahasa sa creativity ng mga negosyante; at Be Your Own Boss na lumilinang sa kakayahan ng mga kabataan, partikular ang out of school youth, sa pagbubuo ng sarili nilang pagkakakitaan.
Ang ICESMED 2023 ay dinaluhan sa mahigit 150 mag-aaral mula sa iba-ibang bahagi ng bansa at Asya upang ipakita ang kanilang pag-aaral na magpapa-unlad pa sa industriya ng entrepreneurship at small-to-medium enterprise.