Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa isinagawang 2022 MOU Signing on 4Ps Partnership, na may temang “Celebration of Program Fains and Partnership Success,” na pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Magiliw Auditorium sa DSWD Central Office sa Brgy. Batasan Hills.
Sa talumpati ng Alkalde, pinasalamatan niya ang patuloy na pagtugon ng DSWD at ng mga partnered private sectors sa Lungsod Quezon. Binigyang-diin din ni Mayor Belmonte ang patuloy na pakikipagtulungan ng lungsod sa national government at mga pribadong sektor upang mawakasan ang mga isyu sa Child Labor at ang all forms of poverty sa bansa.
Nagkaroon din ng Signing of Partnership Agreements sa pagitan ng DSWD at Save the Children Philippines (SCP), Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC), at East West Seed Foundation (EWSF). Layunin ng MOU na mapaigting pa ang pakikipagtulungan ng ahensya at mga nasabing organisasyon upang mas mapagtibay pa ang mga programa at serbisyo para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Present din sa event sina DSWD Usec. Jerico Francis L. Javier, DILG Asec. Rolando Puno na kumakatawan kay DILG Secretary Benjamin C. Abalos, Jr., DSWD 4Ps National Program Manager Gemma Gabuya, DOLE Usec. Atty. Benjo Benavidez, SCP CEO Atty. Albert Jesus T. Muyot, RCBC Vice President Micheal Cruz, at EWSF Managing Director Ma. Elena Van Tooren, at EWSF Asst. Vice President Cristy Angeles.



















