Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bilang pangunahing tagapagsulong ng “Digital Governance,” nakiisa ang Quezon City sa ginanap na 2023 INDX Summit ng FintechAlliance.Ph na may temang “Creating What’s Next in Digital: Dare-Drive-Defy”.
Nagsilbing keynote speaker si City Administrator Michael Alimurung.
Ibinahagi niya ang iba-ibang digitalization efforts ng pamahalaang lungsod upang mapabilis ang paghahatid ng serbisyo sa QCitizens.
Ang INDX Summit ay isinasagawa taun-taon, kung saan nagsasama-sama ang mga industry leaders, practitioners at government partners na nagsusulong ng digital transformation, innovation at strategy.







