Bumisita ang mga opisyal ng Davao City Government sa Quezon City Hall upang pag-aralan ang QCitizen ID system ng lungsod.
Ipinakita sa kanila ang proseso ng QCitizen ID mula sa application hanggang sa releasing, at kung paano tinitiyak na tama ang mga impormasyon ng mga residente.
Nagtungo rin ang Davao City Government delagates, sa pangunguna ni Deputy Chief of Staff Atty. Jonah Margarette Presto, sa QCID Office, Persons with Disability Affairs Office (PDAO), at Office for the Senior Citizens’ Affairs (OSCA).







