Sa kauna-unahang pagkakataon, ang pamahalaang lungsod sa pangunguna ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office ay nagsagawa ng night drill bilang bahagi ng 2024 Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa Eastwood City.

Layon nito na suriin ang emergency plans ng QC Government at ng pribadong sektor upang mapaghandaan ang magnitude 7.2 na lindol.

Nakiisa sa earthquake drill sina Office of Civil Defense NCR Regional Director George Keyser, Metropolitan Manila Development Authority Acting Chairman Romando Artes, at Department of the Interior and Local Government NCR Regional Director Maria Lourdes Agustin.

Ikaw at ako, tayo ay kabahagi ng lungsod upang mapanatiling ligtas ang komunidad! 🤝

#NSED2024

#BidaAngHanda

#TayoAngQC

+25