Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang 4th Quarter Local Health Board (LHB) meeting kahapon ng umaga.

Kasama ang iba pang department head at stakeholders na miyembro ng LHB, tinalakay ang ilan sa mga programa ng lungsod at kung paano pa ito mas mapapabuti para sa mga QCitizen.

Ibinahagi rin sa meeting ang partnership ng QC sa Philippine Heart Center at ang isasagawang proyekto kasama ang Far Eastern University – Nicanor Reyes Medical Foundation.