Ipinagdiwang ng Philippine Association of Real Estate Board, Inc. – Quezon City Real Estate Board, Inc (PAREB-QCRB) ang kanilang 65th founding anniversary sa Quezon City Sports Club Sabado ng gabi.
Tumayong kinatawan ni Mayor Joy Belmonte si City Assessor Atty. Sherry R. Gonzalvo.
Ayon kay Mayor Joy, patuloy na magiging kasangga ng PAREB QCRB ang lokal na pamahalaan. Kabilang dito ang pagsuporta sa kanilang adbokasiya at ang pagdinig sa kanilang suhesyon upang mapaunlad ang pagbibigay serbisyo sa QCitizens.
Iginawad din ng QCRB ang plaque of appreciation para sa mga Loyalty Awardees na patuloy na sumusuporta sa kanilang organisasyon.
Sa pangunguna ni QCRB President Michael Abarientos, nakiisa ang mga miyembro ng QCRB sa pagdiriwang.