Dumalo si DPOS head Ret. Gen. Elmo DG San Diego bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte sa ginanap na 83rd Quezon City Police District Anniversary na may temang “QCPD Tagapaglungsad ng Serbisyong Malasakit, Patnubay sa Kaayusan at Kapayapaan, Kaagapay tungo sa Kaunlaran, Katuwang ang Simbahan at Pamayanan ng Lungsod, Quezon,” sa Camp Karingal, QC.

Guest of Honor at Speaker naman ang anak ng pangulo na si William Vincent Marcos. Dumalo rin sina District 2 Congressman Ralph Wendel P. Tulfo at District 5 Congressman Patrick Michael D. Vargas.

Isa sa highlight ng programa ang pagbigay ng Plaque of Appreciation at Special Recognition sa mga uniformed at non-uniformed personnel, units, government organizations, at non-government organizations para sa kanilang kontribusyon sa pagkamit ng QCPD ng kanilang mga plano at programa.