Bilang paggunita sa National Women’s Month ngayong Marso, isinagawa ng Commission on Human Rights sa pakikipagtulungan ng Sarilaya at Gabriella Alliance of Women ang 8th Purple Action Day.
Layon nito na bigyang boses ang mga kababaihan at aksyunan ang mga isyu na kinakaharap ng bawat babae sa bansa tulad ng pagsugpo ng Violence Against Women and Children (VAWC), harrasment, diskriminasyon, inequality, at marami pang iba.
Nais din nitong bigyang pansin ang kahalagahan ng partisipasyon ng mga kababaihan at mga women leaders na magsusulong ng mga karapatan ng kababaihan.
Kaisa ng CHR si Mayor Joy Belmonte at ang pamahalaang lungsod sa pagsusulong ng mga programa para sa ika-uunlad at ika-aangat ng antas ng mga kababaihang QCitizen.
Tinalakay ng alkalde ang mga programa para sa kababaihan mula sa social services, QC Protection Center para sa mga biktima ng VAWC, edukasyon, at pangkabuhayan.
Kasama rin sa pagdiriwang sina CHR Commissioner Fayda Dumarpa, Myrna Jimenez ng Sarilaya, Gert Libang ng Gabriella Alliance of Women, at Jelen Paclarin ng Women’s Legal and Human Rights Bureau.
Sama-sama nating ipagdiwang at bigyang pagpupugay ang mga kababaihan ngayong National Women’s Month!






























