Matagumpay na naisagawa ng QC Kabahagi Center ang Day 2 ng “Mastering Milestones: Developmental Surveillance Training for Community Health Workers” kasama ang Developmental Pediatricians ng Philippine Children’s Medical Center Neurodevelopmental Pediatrics Section nitong February 20.
Nagkaroon ng maikling lecture tungkol sa early disability detection at intervention, at sa kahalagahan nito para sa mga community health worker ng lungsod. Sinundan ito ng small group discussion kung saan nagkaroon ng diskurso sa iba-ibang developmental cases ang mga doktor. Inilahad din sa kanila ang referral process upang makapag-apply sa mga serbisyo ng QC Kabahagi Center.
Magagamit nila ang pagsasanay na ito sa usaping pregnancy at sa health and wellness check-ups ng mga kabataang nagpapatingin sa kanila.
Ginagawa ang programang ito upang matiyak na ang bawat bata ay nabibigyan ng maagap na serbisyo at naiiwasan ang mga delays sa kanilang kabuuang development.




