ᴘᴀᴀʟᴀᴍ ᴀᴛ ꜱᴀʟᴀᴍᴀᴛ, ʟᴏʟᴏ ᴋɪᴋᴏ!
Alinsunod sa Proclamation No. 871 (s. 2025), nakahalf-mast ang mga watawat ng Pilipinas sa Quezon City Hall at Quezon Memorial Circle bilang tanda ng pakikiramay ng lungsod sa pagpanaw ni Pope Francis.
Si Pope Francis ay ang ika-266 na Santo Papa ng Simbahang Katolika. Nahalal siya noong March 13, 2013 matapos bumitaw sa puwesto si Pope Benedict XVI. Siya rin ang kauna-unahang Papa na nagmula sa Latin America (Argentina), at ang unang Jesuita na naging Santo Papa.
Malaki ang impluwensya ng yumaong Santo Papa sa maraming QCitizens lalo na sa kanyang pananaw sa inklusyon at social justice.



