Nagsagawa ang Meralco ng seminar para sa mga market stall vendors, owners, at hawkers ng Quezon City upang talakayin ang ligtas at responsableng paggamit ng kuryente.
Layunin ng programang ito na makatulong sa mas ligtas at matipid na paggamit ng kuryente sa mga pamilihan at sa kanilang tahanan.
Tinuruan din ang mga kalahok ukol sa ilang business opportunities sa pakikipagtulungan ng Meralco at Bayad Center.
Nakiisa sa seminar si QC Market Development and Administration Department head PCol. Alex Alberto (Ret.).




