Nagbigay ng tulong-pinansyal ang Quezon City Government sa mga pamilyang nasunugan mula Barangay E. Rodriguez at Payatas.
Aabot sa 263 pamilya ang tinulungan ng lokal na pamahalaan sa Barangay E. Rodriguez, habang 66 naman sa Barangay Payatas.
Bawat houseowner ay nakatanggap ng P10,000 habang P5,000 naman sa mga renter at sharer.
Nauna nang nagbigay ng material assistance at food packs ang QC Government sa mga biktima, at patuloy silang inaasikaso para matugunan ang mga pangangailangan nila at makabangon mula sa trahedya.




