For emergency, call:
Para sa emergency, tumawag sa:
- Helpline 122
- Emergency Operations Center: 0947-885-9929; 0947-884-7498
Ang flu ay isang nakahahawang sakit na sanhi ng influenza virus umaatake sa ilong, lalamunan, at baga. Ito ay naipapasa sa pamamagitan ng respiratory droplets kapag ang taong may trangkaso ay umuubo, bumabahing, o nagsasalita. Maaari itong magdulot ng mild hanggang sa malubhang karamdaman, at kung hindi agad maagapan, maaaring humantong ito sa kamatayan.
SINTOMAS NG FLU:
- Lagnat
- Ubo
- Sipon
- Headache
- Pamamaga o pananakit ng lalamunan
- Pagtatae at pagsusuka
- Pananakit ng kalamnan
WASTONG PAGGAMOT SA FLU:
- Manatili sa bahay at magpahinga nang sapat upang mapabilis ang paggaling.
- Uminom ng tamang dami ng tubig araw-araw upang maiwasan ang dehydration.
- Panatilihin ang kalinisan sa pamamagitan ng regular at tamang paghugas ng kamay.
- Uminom lamang ng gamot ayon sa reseta o tagubilin ng doktor.
- Kumonsulta kaagad sa doktor kapag nakararanas ng anumang sintomas.
PAG-IWAS SA FLU
- Tamang hygiene
- Pananatili sa lugar na may maayos na daloy ng hangin
- Tamang paggamit ng face mask
- Magpa-vaccine
The flu is a contagious disease caused by the influenza virus, which primarily attacks the nose, throat, and lungs. It is passed through respiratory droplets when the person with flu coughs, sneezes, or speaks. It can cause mild to severe ailments, and if not treated, it can lead to death.
SYMPTOMS OF FLU:
- Fever
- Cough
- Cold
- Headache
- Inflammation of the throat or sore throat
- Diarrhea or vomiting
- Muscle Pain
PROPER TREATMENT OF FLU:
- Stay at home and get enough rest to speed up your recovery.
- Drink enough water daily to avoid dehydration.
- Maintain cleanliness through proper and regular handwashing.
- Take a doctor’s prescribed medicine.
- Consult a doctor if experiencing any symptoms.
HOW TO AVOID HAVING FLU:
- Proper hygiene
- Proper ventilation
- Proper wearing of facemask
- Get vaccinated
CONTACT INFORMATION:
QUEZON CITY HEALTH DEPARTMENT
cityhealth@quezoncity.gov.ph
8988-4242 local 1607
REFERENCE:
QUEZON CITY HEALTH DEPARTMENT