Alinsunod sa Proclamation No. 1021, s. 1997, ang buwan ng Hulyo ay idineklara bilang Blood Donors Month
Ito ay bilang pagkilala sa mga blood donor na boluntaryong nagbibigay ng kanilang dugo upang makasagip ng buhay.
Layon din ng selebrasyong ito na hikayatin ang bawat indibidwal na makiisa sa pagbibigay ng dugo.
Para sa mga nais mag-donate ng dugo, maaaring bumisita sa pinakamalapit na Red Cross chapter o blood bank sa inyong lugar.
