Nagsasagawa na ng paghahanda ang iba’t ibang ahensya ng local at national government para sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Lunes.
Inihanda na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang mobile command center, speed boat, at rescue vehicle sa kahabaan ng Commonwealth Avenue bilang bahagi ng kanilang security at emergency response operations.
Samantala, inanunsyo rin ng QC Government ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa lungsod sa Lunes, araw ng SONA.
Magpapatupad din ng liquor ban sa buong lungsod simula 12:01 AM hanggang 6:00 PM ng Hulyo 28, 2025 upang mapanatili ang kaayusan.




