Masayang sinalubong ng mga estudyante, faculty members, at mga opisyal ng pamahalaang lungsod ang ika-28 anibersaryo ng pagkakatatag ng Quezon City University.
Nakisaya sa selebrayson sina Mayor Joy Belmonte, QCU President Dr. Teresita Atienza, Rep. Alfred Vargas, Coun. Irene Belmonte, Public Employment Service Office (PESO) head Rogelio Reyes, Sustainable Development Affairs Unit (SDAU) chief Emmanuel Hugh Velasco, Education Affairs Unit (EAU) head Maricris Veloso, at former councilor Aly Medalla.
Nilibot din nina Mayor Joy ang mga ipinagmamalaking pasilidad ng QCU tulad ng bee farm na training facility para sa mga nais matuto ng pagproduce ng honey mula sa beehive; GAD Corner na may lamang info materials tungkol sa gender and development; Innovation lab para sa mga estudyanteng kukuha ng subject na ICT; at student lounge na may mural na obra ng QCU students. Namahagi rin muli ng aabot sa 1,200 laptop with pocket wifi sa mga mag-aaral. Mayroon ding booster vaccination para sa mga estudyante.
Sa kasalukuyan, ang QCU ay may tatlong campus: ang San Bartolome sa district 5; Batasan sa district 2; at San Francisco sa district 1. Target ng lungsod na madagdagan ang mga ito upang mas mailapit pa sa mga kabataang QCitizen ang dekalidad na edukasyon.
Happy 28th Founding Anniversary, Quezon City University!




































