Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang pagbisita ng mga opisyal ng Municipality of Orani, Bataan.
Ibinahagi nina Mayor Belmonte at Councilor Joseph Juico kina Orani Vice Mayor Emmanuel Roman at kanilang mga konsehal ang mga best practices ng lungsod tulad ng mga programa para sa mga kababaihan, mahigpit na pakikipagtulungan sa mga komunidad at barangay, at pagpapanatili ng isang maayos at malinis na pananalapi.
Bukod sa kanila, bumisita rin sa QC Hall si Municipality of San Jose, Occidental Mindoro Coun. Mercy Alvaran.




