Pormal nang nanumpa kay Mayor Joy Belmonte ang mga naihalal na Executive Officers ng Council of Sectoral Representatives mula 2022 hanggang 2025.
Ang mga CSR Execom Officers sa pangunguna ni Chairman Edilberto Adraneda ay magiging katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng adhikain nitong participative governance, kung saan magiging aktibong kasama ang mga mamamayan sa pagbuo ng mga polisiya at programa para sa kanila.














