Hindi bababa sa 191 na pamilya o nasa 230 na indibidwal na naapektuhan ng pagbaha dahil sa malakas na ulan kaninang umaga ang kinakalinga sa evacuation center sa Multipurpose Hall ng Barangay Quirino 2A.
Nasa 125 na pamilya naman ang nasa Yakap Day Care Center na nagsisilbing evacuation center ng mga binaha mula sa Barangay Mangga.
Nakapagtayo na ng partition tent sa ilang evacuation center sa pangunguna ng District Action Office 3 na pinamumunuan ni Atty. Thomas John Thaddeus De Castro, SSDD at DRRMO.
Nabigyan na ang evacuees ng disaster kits at food packs mula sa tanggapan ni Mayor Joy Belmonte.
Naghatid naman ng medical at health services ang Quezon City Health Department sa mga evacuees mula sa Barangay Bagumbuhay.
Patuloy ang pag-iikot at pag-monitor ng QC Disaster Teams sa mga lugar na apektado ng pagbaha.




