Inilunsad ngayong araw sa Quezon City Hall ang Philippine Confederation of Senior Cyclists, Inc. (PCSCI). Binubuo ito ng 19 junior and senior bikers’ club mula sa iba-ibang lugar sa bansa at aabot sa higit 1,400 ang mga miyembro nito.
Dumalo rin sina Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, Department of Public Order and Safety – Green Transport Office head Corazon Medes, at PCSCI President Daniel Yamio.
Ayon kay ACA Kimpo, patuloy na isinusulong ni Mayor Joy Belmonte ang active mobility sa Lungsod Quezon. Kabilang ito sa agenda ng Alkalde na mapaunlad pa ang mga bike lanes sa buong QC at ang pagtitiyak na magiging ligtas ang bikers.
Sa kasalukuyan, nasa 172 kilometers na ang total bike lane sa QC. Inuumpisahan na rin ang paglalagay ng mga plant boxes ss bike lanes bilang dagdag proteksyon sa bikers.




