Sa QC, bahagi ka ng solusyon!
Para sa mas pinatibay na implementasyon ng kampanya upang makamit ang Zero at 2030 laban sa HIV at AIDS, pinirmahan ni Mayor Joy Belmonte ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng City Ordinance SP 3126-2021 o ang QC HIV Ordinance.
Layon nito na maging bahagi ng pamahalaang lungsod ang komunidad sa pamamagitan ng civil society organizations sa paglikha at pagpapatupad ng mga programa upang bumaba ang kaso ng HIV at AIDS sa lungsod.
Kasabay nito, inilunsad din ang HIV Reference Manual for High School students na naglalayong magkaroon ng awareness ang mga mag-aaral ukol sa HIV at AIDS at kung paano ito maiiwasan.
Kabilang din sa kampanya ng Zero at 2030 ang wakasan ang diskriminasyon sa mga People Living with HIV at bigyan sila ng oportunidad na makibahagi sa implementasyon ng iba-ibang inisyatibo ukol dito.
Kaisa ng QC Health Department at Epidemiology and Surveillance Unit sa programa sina Coun. Bernard Herrera, UNAIDS Country Director Dr. Louie Ocampo, Imagine Law Executive Director Atty. Sophia San Luis, TLF Share Inc. Program Manager Ms. Noemi Leis, Schools Division Superintendent Ms. Carleen Sedilla, at iba pang mga kasapi ng public at private sektor na nagsusulong ng HIV at AIDS-related advocacies.




