Nakipagpulong ang Quezon City Government kina Mr. Lito at Kim Camacho tungkol implementasyon ng programa ng international organization na Scholas Occurrentes.
Ang Scholas Occurrentes ay isang NGO na itinatag ni Pope Francis sa Argentina na nagtitipon ng mga kabataan mula sa pinaka nangangailangang sektor upang maging bukas sa diskusyon ng iba-ibang isyu sa kanilang lipunan.
Layon nitong maipaintindi sa mga kabataan ang kahalagahan ng pakikiisa at pakikibahagi sa mga isyu upang masolusyunan ito.
Sa ilalim din nito, titipunin ang mga kabataang edad 15 to 17 para sumailalim sa anim na araw na programa.
Kasama rin ni Mayor Joy Belmonte sa pulong sina Quezon City University President Dr. Theresita Atienza, Education Affairs Unit chief Maricris Veloso, Youth Development Office head Dr. Lyn Dividina, at Schools Division Office Superintendent Carlene Sedilla.



