Aabot sa 657 na solo parents sa buong Lungsod Quezon ang nakatanggap ng social welfare assistance mula sa Social Services Development Department (SSDD) ng lokal na pamahalaan ngayong araw.
Personal na ipinamahagi ni Mayor Joy Belmonte ang cash aid sa mga indigent solo parents katuwang sina District 4 Action Officer Al Flores at SSDD head Eileen Velasco.
Bukod sa tulong pinansyal, pinakikinabangan na rin ng mga QCitizen solo parents ang ordinansang ipinasa ng lungsod patungkol sa pagbibigay ng 20% discount ng mga restaurants sa QC para sa kanila.




