Agad na nagpadala ng tulong ang Quezon City Government sa mahigit 130 pamilyang nasunugan kaninang tanghali sa Barangay Tatalon.
Namahagi ang pamahalaang lungsod ng bigas at iba pang kagamitan sa mga biktima na kasalukuyang nanunuluyan sa Diosdado Macapagal Elementary School.
Nagbigay rin ang Social Services Development Department ng hot meals sa evacuees habang sagot naman ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office ang iba pang pangangailangan ng mga nasunugan. Naroon din ang City Health Department para gamutin ang mga residenteng nasugatan at nangailangan ng karampatang lunas.
Patuloy na nakaagapay ang lokal na pamahalaan sa mga nasunugan upang matulungan silang makabangon mula sa trahedya.
Nanguna sa pamamahagi ng tulong sina Coun. Irene Belmonte, Coun. Egay Yap, at District 4 Action Officer Al Flores.




