Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pagpapasinaya ng ‘Walk In Her Shoes’ interactive exhibit bilang bahagi ng National Women’s Month.
Layon ng exhibit na ibahagi ang mga kwento at bigyang boses ang mga kababaihang naging biktima ng karahasan at pang-aabuso mula sa iba-ibang sektor.
Bukas ito sa publiko mula March 18 hanggang 27 na matatagpuan sa Quezon City Hall inner lobby.
Nakiisa sa programa sina Mr. John Alikpala ng United Nations Resident Coordinator’s Office, Gender and Development TWG head Ms. Janet Oviedo, mga konsehal at city officials.




