Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang iba-ibang programa at inisyatibo ng lokal na pamahalaan para maisulong ang pagkakapantay-pantay sa lungsod.
Sa ginanap na #InspireInclusion forum ng Australia/ NewZealand Chamber of Commerce’s People & Culture Committee sa Makati Shangri-La, inihayag ni Mayor Joy ang mga programa ng QC tulad ng QC Protection Center, pagbibigay ng oportunidad sa mga person with disability, at pagpapalakas ng men opposed to violence against women everywhere.
Mayroon na ring unified database ang lokal na pamahalaan, pulis, barangay, at Gender and Development Council para mas madaling mabigyan ng karampatang tulong at intervention ang mga biktima ng pang-aabuso.
Ang forum ay dinaluhan ng mga opisyal at myembro ng ANZCHAM at iba pang business leaders.




