Agad na nagpadala ng tulong ang Quezon City Government sa mga nasunugang pamilya sa Barangay Damayang Lagi kahapon.
Nakapagbigay na ang lokal na pamahalaan ng hygiene kits, sleeping kits, starter kits, at food packs sa mga biktima. Inaalalayan din sila ng mga social worker at binibigyan ng hot meals.
Sa paunang tala ng Social Services Development Department (SSDD), nasa mahigit 200 pamilya ang naapektuhan ng sunog. Pansamantala silang nanunuluyan sa Trinity University of Asia-High School Covered Court at Scalabrini Theological House of Studies.
Nag-set up na rin ng partition tent ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office, habang umagapay naman ang QC Health Department sa mga residente na nangailangan ng atensyong medikal.




