Matagumpay na idinaos ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ang ika-20 Annual Celebration of Women with Disability ngayong araw sa Amoranto Sports Arena, sa pangunguna ni Persons with Disability Affairs Office Head, Ms. Deborah C. Dacanay.
Tinatayang nasa 500 mag-aaral mula sa iba-ibang pampublikong paaralan sa lungsod ang nakiisa sa pagdiriwang. Ipinakita naman ng Philippine Female and Male Wheelchair Basketball Teams ang kanilang husay sa larong basketball.
Nagbigay naman ng mensahe sa mga dumalo sina Vice Mayor Gian Sotto at Ms. Gem Tanyag ng Philippine Team Wheelchair Basketball.
Layon ng pagdiriwang na bigyang pugay ang talento at determinasyon ng mga kababaihang may kapansanan, at patuloy na isulong ang pagkakaroon ng pantay-pantay na karapatan at isang inklusibong lipunan.
Kabilang sa mga dumalo sina Coach Vernon Perea, Administrator, Amoranto Complex Arch. Lucille Chua, at Action Officer, Amoranto Complex Mr. Martin Julian Vicente Manese.




