Inihayag ni Mayor Joy Belmonte sa mga kababaihan mula sa iba-ibang sektor sa Metro Manila ang mga programa ng QC para masiguro ang kapakanan at kaligtasan ng mga residente mula sa mga kalamidad, habang isinusulong ang gender equality.
Sa kanyang mensahe sa Building Resilience through Women’s Leadership forum sa SM North Skydome, ibinahagi ni Mayor Joy ang iRiseUP, isang early warning tool ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office, na magsisiguro ng targeted na programa para sa mga residenteng may gender-specific na pangangailangan.
Ipinaliwanag din ng alkalde na ang QCDRRMO lang ang natatanging disaster management department sa NCR na pinamumunuan ng babae. Halos kalahati rin ng management positions ng QCDRRMO ay pinangungunahan ng mga kababaihan.
Ang forum ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa ibang local government unit sa NCR, mga barangay, civil society organizations, at pribadong sektor.




