
Nananawagan si Mayor Joy Belmonte sa mga residente ng Quezon City na iwasan ang pag-post at pagpapakalat ng fake news o maling impormasyon na maaaring magdulot ng takot at pagkalito sa mga makakabasa at makakakita nito sa social media.
Kaugnay ito ng drug buy bust operation na ikinasa ng QCPD kanina sa isang mall sa Commonwealth Avenue, Barangay Batasan Hills pero nauwi ito sa engkwentro sa pagitan nila at ng umano’y PDEA agents.
Para sa kaligtasan ng lahat, iwasan muna ang naturang lugar habang iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang nasabing insidente.
###