Isa si Mayor Joy Belmonte sa mga naimbitahang panelist sa “Women In Travel” industry dialogue na inorganisa ng Airbnb ngayong umaga.
Ipinaliwanag ni Mayor Joy ang iba-ibang hakbang na ginagawa ng lokal na pamahalaan para masiguro ang seguridad ng mga kababaihang nagta-travel sa kungsod. Binanggit din ng alkalde ang mga inisyatibo ng lungsod para maging inklusibo at tuluyan nang mawala ang stereotype sa mga kababaihan sa paglalakbay at turismo.
Patuloy na nagbubukas ng oportunidad ang QC sa mga kababaihan sa sektor ng turismo, tulad sa farm tourism sa urban farms, kung saan 70 percent ng 16,800 farmers ay mga babae.
Pantay ding nabibigyan ng pagkakataon ang mga film maker, anuman ang kanilang kasarian, na maipalabas ang kanilang pelikula sa QCinema International Film Festival na patok at dinadayo ng mga turista at film enthusiast taon-taon.
Kasama ni Mayor Joy sa talakayan sina Airbnb Head for Public Policy for Southeast Asia, India, Hongkong, and Taiwan Ms Mich Goh, Philippine Coast Guard Officer, Mountaineer, at First Filipina to summit Mount Everest Ms Noelle Wenceslao, Airbnb host and content creator at tourism entrepreneur Ms Colleen Vidal, at Ms Anne Jeaneth Casalme ng Philippine Commission on Women and Development.
















