Nagsilbing keynote speaker si Mayor Joy Belmonte sa Leadership Exchange Forum ng Anvil Business Club, Inc. (Association of Young Filipino-Chinese Entrepreneurs).
Ibinahagi niya ang mga inisyatibo ng pamahalaang lungsod na layong gawing ‘business-friendly city’ ang Quezon City.
Binigyang-diin din ni Mayor Joy ang kahalagahan ng inclusivity sa mga programa ng lungsod upang matiyak na lahat ay kasama sa pag-unlad.
Pinangunahan ang forum nina Chairman Emeritus George T. Siy, Chairman Bernard Go, at President Christopher Yae ng Anvil Business Club.
Layunin ng naturang forum na hikayatin ang mga kabataang negosyante na isulong ang social objectives tulad ng sustainability, inclusivity, at community welfare.




