Pinarangalan ng National Resilience Council (NRC) si Mayor Joy Belmonte bilang isa sa mga kababaihang kampyon sa pagsusulong ng mga makabuluhang programa para sa kalikasan at disaster resilience!

Sa Philippine Resilience Awarding ceremony na ginanap sa SMX Convention Center, kinilala si Mayor Joy dahil sa pagtataguyod ng community-based urban farming program sa lungsod bilang tugon sa food insecurity.

Si Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) ang naging kinatawan ng alkalde sa pagtanggap ng parangal. Ikinatuwa naman ni Mayor Joy ang natanggap na pagkilala mula sa NRC.

Nagsimula noong pandemya, ang urban farming initiative ng lungsod ay nakapagbigay na ng kabuhayan sa 18,000 QCitizens mula sa pinaka nangangailangang sektor.

Kasabay ng programa, ibinahagi naman ni Barangay Culiat Chairperson Cristina Bernardino kung paano tinutugunan ng kanilang barangay ang mga suliranin dulot ng climate change.

Ang Barangay Culiat ay kinilala bilang Most Resilient Barangay sa ginanap na Quezon City Green Awards noong October 6.

+10