Napasakamay na ng aabot sa 38 pamilyang QCitizen ang titulo ng lupang kinatitirikan ng kanilang bahay, sa tulong ng Direct Sale Program ng lungsod.
Mismong si Mayor Joy Belmonte at ang Housing and Community Development Resettlement Department (HCDRD) ang nagbigay titulo sa mga benepisyaryo mula sa Barangay Baesa (Asamba), Escopa III (PUD SITE), Bagong Silangan (Proper), Bagong Silangan (Covenant), Kaligayahan (Phase II), Fairview (Sitio Ruby), Brgy. Novaliches Proper (Fantasy HOA), Brgy. Bungad, Brgy. Sto. Niño, Brgy. Payatas (Sandig), at Brgy. Kaligayahan (QCHP No. 2).
Sa ilalim ng Direct Sale Program, naging lehitimong may-ari ng lupa ang mga residente na matagal nang naninirahan sa lote na pagmamay-ari ng gobyerno. Nabayaran na nila ang halaga nito alinsunod sa terms of payment ng lokal na pamahalaan.
Simula noong 2019, mahigit 340 QCitizen families na ang nabigyan ng titulo ng kanilang lupa.

























