Bawal pa rin sa Quezon City:

Ang sumusunod na mga negosyo ay mananatiling nakasara sa kabila ng DTI Memorandum Circular 21-08, habang patuloy ang pagsusuri ng Quezon City sa pagdami ng bagong kaso ng mga variant ng COVID-19 at mga kaugnay na protokol sa kalusugan:

• indoor cinema
• video/interactive game arcade
• theme park / funfair.

Ang mga sumusunod na negosyo ay mananatiling sarado pa rin: beerhouse, nightclub, videoke/KTV bar; at kids amusement center, daycare, at playhouse.