Nagpaabot ng suporta si Mayor Joy Belmonte sa Bayani Ba ‘To Youth and Educators Forum para sa panibagong historical film na #QUEZON 2025 ng Direktor na si Jerrold Tarog sa Gateway Cineplex ngayong Sabado.
Ayon sa alkalde, napakahalagang isulong ang pagbabalik-tanaw sa ating makulay na kasaysayan at maipaalam sa taumbayan ang importansya ng pagmamahal sa sariling bansa tulad ng ating mga bayani.
Dumalo rin sa programa sina TBA Studios President and COO Daphne Chiu-Soon, District 3 Action Officer Atty. Tommy de Castro, public historian Prof. Xiao Chua, at ang cast ng pelikula na sina Jericho Rosales, Mon Confiado, Bodjie Pascua, Jake Macapagal, JC Santos, Cris Villanueva, Aaron Villaflor, Ben Alves, at Romnick Sarmenta.




