Personal na iniabot ni Mayor Joy Belmonte ang tulong pinansyal para sa 271 pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay Tatalon kahapon, Pebrero 18.
Katuwang ng Alkalde sa pamamahagi sina COS at Social Services Development Department OIC Rowena Macatao, Councilor Irene Belmonte, D4 Action Officer Al Flores, Barangay Tatalon P/B Rodel Lobo at mga kagawad.
Binigyan ng P10,000 ang mga may-ari ng bahay at P5,000 naman para sa renters at sharers.
Tinitiyak din ng lokal na pamahalaan na maayos ang kalagayan ng mga residenteng pansamantalang tumutuloy sa evacuation center sa Diosdado Macapagal Elementary School.