Serbisyong may Puso! ❤️

Dahil simula na ng Love Month, nagsumpaan ng walang hanggang pagmamahalan ang QCitizen couples sa ginanap na libreng kasalang bayan na handog ng Quezon City Government.

Walang patid ang pag-agapay ng ating lokal na pamahalaan sa paghahatid ng mga serbisyo at benepisyo sa mga QCitizen, lalo na sa mga biktima ng sunog kamakailan.

Kabi-kabilang mga aktibidad din ang inihanda sa mga komunidad ng lungsod upang tiyak na mailapit ang mga programa para sa ating QCitizens.

Panoorin ang weekly recap na ito para sa linggo ng January 30, 2023.