Bilang bahagi ng selebrasyon ng Philippine Dental Health Month, nagsagawa ng libreng dental services ang Quezon City Health Department Dental Services para sa mga QCitizens.
Ibinahagi ni Acting Mayor Gian Sotto ang kahalagahan ng wastong pangangalaga ng ating ngipin lalo sa mga kabataan.
Nagsagawa rin ng lecture, counselling, games, parade at Little Miss Tooth Fairy Contest para sa mga mag-aaral ng District 1 Day Care Center sa QC. Namahagi naman ng libreng oral hygiene products ang mga ka-partner sa selebrasyon tulad ng Sensodyne at Children International Inc.





















