210th Birth Anniversary of Melchora “Tandang Sora” Aquino

January 6, 2022

Sa ika-6 ng Enero 2022 ipagdiriwang ang ika-210 Anibersaryo ng Kapanganakan ni Melchora “Tandang Sora” Aquino. Ang nasabing pagdiriwang ay taon-taon ginaganap sa Tandang Sora National Shrine, Banlat Road, Barangay Tandang Sora, Quezon City.

Dahil sa banta at pagtaas ng Covid 19 (Omicron Variant) cases, isang pagaalay lamang ng bulaklak ang magaganap sa Shrine.

Kasabay nito ay ang pagkilala kay Ms. Fe Macale, Head ng Quezon City Social Services Development Department, bilang 2022 Tandang Sora Awardee.

Ang Tandang Sora Award ay iginagawad sa mga natatanging kababaihan ng QC na nagpamalas ng katapangan, palabra de honor, kagandahang asal, pagmamalasakit, paglilingkod, kasipagan at pagkalinga na maihahalintulad sa Ina ng Rebolusyon.