Upang mailapit ang serbisyo ng pamahalaang lungsod sa mga QCitizens, nagsagawa ng Caravan Series ang District 3 Action Office para sa mga residente dito.
Makikita sa caravan ang tanggapan ng Office of Senior Citizens Affairs, Persons with Disability Affairs Office, Civil Registry Department, Social Services Development Department, City Veterinary Department para sa libreng anti-rabies vaccine, spay and neuter sa mga alagang hayop, at Public Employment Service Office para sa ilang job opportunity.
Nakapag-register din ang ilang residente para sa QCitizen ID na maaaring magamit sa pag-avail ng ilang serbisyo ng pamahalaang lungsod.
Bumisita naman sina Mayor Joy Belmonte, D3 Action Officer Tommy De Castro at ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Councilors Franz Pumaren, Wency Lagumbay, Kate Coseteng, at Jorge Banal Sr. Nakiisa rin sina dating konsehal Don De Leon, Mr. Robert Pacheco at Mr. Chuckie Antonio para personal na makita ang isinasagawang caravan.