Katuwang ng national government ang lokal na pamahalaan upang alalayan ang mga negosyante sa Quezon City.
Nakatanggap ng P15,000 ang 84 DTI-registered rice sellers and retailers bilang pangdagdag puhunan sa kanilang negosyo, kasunod ng itinakdang mandated price ceiling sa bigas.
Magkatuwang sa pagbibigay ng tulong ang Office of the President, Department of Social Welfare and Development, Department of Trade and Industry, Quezon City Barangay and Community Relations Department, QC Business Permits and Licensing Department at Market Development and Administration Department.




