Bilang bahagi ng selebrasyon ng National Reading Month, pinangunahan nina Coun. Don De Leon kasama ang QC Education Affairs Unit, si Dr. Heidi Ferrer ng QC Schools Division Office, mga school principals, at ilan pang miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang ceremonial turnover ng mga story books na ipapamahagi sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.
Layon ng programa na paigtingin ang kahalagahan ng pagbabasa sa mga kabataan sa murang edad. Nais din nitong mahikayat ang kanilang interes sa pagbabasa at mahasa ang kanilang comprehension at listening skills. Noong 2021, namahagi ang QC ng 95,484 story books at dinagdagan ito ng 76,392 ngayong 2022. Sa kabuuan ay mayroong 171,876 na story books ang ipinamahagi ng QC para sa mga kindergarten ng 95 public schools sa lungsod.