Opisyal nang sinimulan ng Quezon City Government ang Chikiting Bakunation Days program ng Department of Health (DOH).
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, Department of Health-National Capital Region Director Dr. Gloria Balboa at QC Health Department OIC Dr. Esperanza Anita Escano-Arias ang ceremonial vaccination sa QCitizen babies sa QC Hall.
Target ng Chikiting Bakunation Days mula May 30 hanggang June 10, 2022 na mabakunahan ang mga batang edad 23 months old pababa na na-miss ang vaccination schedule o hindi pa protektado laban sa mga vaccine-preventable diseases tulad ng polio, measles, mumps, rubella, at Hepatitis B.
Ang mga city health worker ay mag-iikot sa mga barangay at komunidad upang magbahay-bahay at mabakunahan ang mga bata.
Para sa mga magulang na nais pabakunahan ang kanilang mga anak, maaaring magtungo sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar: https://quezoncity.gov.ph/…/hospitals-and-health…/