Kinilala ng Civil Service Commission si Mayor Joy Belmonte bilang Regional Winner ng Presidential Lingkod Bayan Award sa 2023 Search for Outstanding Government Workers ngayong araw.
Binigyan din ng sertipiko ang ilan pang opisyal ng pamahalaang lungsod bilang nominee sa Pagasa Award tulad nina Chief of Staff Ms. Rowena Macatao, City Administrator Michael Alimurung, Asst. City Administrator Alberto Kimpo, City Engineering Department Head Atty. Dale Perral, Business Permits and Licensing Department Head Ms. Margie Santos, at City Treasurer Mr. Edgar Villanueva.
Kabilang din sa mga nominado ang namayapang traffic enforcer na si Mr. Jeffrey Antolin para sa Outstanding Public Officials and Employees (Dangal ng Bayan) Award. Nauna nang kinilala ng QC Government si Antolin para sa kanyang kabayanihan matapos niyang ibuwis ang kanyang buhay upang iligtas ang kanyang kapwa.
Personal na iginawad nina CSC NCR Acting Director Hans Alcantara at CSC NCR Dir. Victoria Esber ang mga pagkilala sa mga opisyal ng QC government.