Reklamo sa mabahong amoy sa QC Bus Terminal sa Rebisco Road ng Brgy. Nagkaisang Nayon, inaksyunan ng Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City at ng District 5 Action Office, sa pangunguna ni District 5 Action Officer William Bawag, katuwang ang barangay.

Tinugunan ang hinaing sa pamamagitan ng pagsasagawa ng cleaning operation sa nasabing lugar.

Ito ay matapos makatanggap ang Quezon City Government Facebook page ng reklamo mula sa isang concerned QCitizen.